Pages

POEM ITEM #3

Pananabik

Sa apat na sulok ng aking madilim na silid,
Sa aking munting bintana ako’y tumabi.
At sa pagdungaw sa labas ako’y bumalik,
Nanumbalik sa mga ala-alang tayo’y nakangiti;
Ala-alang nananatili sa aking pusong pumipitik.

Tinik ay dama sa dyamenteng nasa kaliwang dibdib;
Mga tenga’y mahinahong boses mo ang dinig;
Umusbong ang kurbang malungkot sa aking labi;
Tubig ay namuo sa mga matang nakapikit,
At sa pagpatak nito’y yakap mo ang nasa isip.

Mga bituing kumikislap sa ating kalangitan,
Nasabi mong kasing ningning ng aking mga mata.
Ang mapayapang buwan na napakaliwanag,
Ang sabi mo’y kasing ganda ng aking ngiti.
Tanda mo pa kaya mga sinabi mo sa’kin?

Bakit nga ba tayo’y hindi na nagpapansinan?
Kasalanan mo nga ba o kasalanan ko?
Handa mo na bang kalimutan ang Tulad ko?
May kaya bang pumalit sa’kin sa buhay mo?
Kung ako’y tatanungin mo, hindi ang sagot ko.

Ikaw ay namumukod tangi  sa buhay kong ito,
Nasabi ko na yan sayo at sana’y iyong tandaan.
Ngayon dalangin ko na tayo’y muling magkasama,
At sana sa paggising ko kinabukasan mahal,
Tayo ay muling magkasundo’t masaya.

No comments:

Post a Comment