Pananabik
Sa apat na sulok ng aking madilim na
silid,
Sa aking munting bintana ako’y tumabi.
At sa pagdungaw sa labas ako’y bumalik,
Nanumbalik sa mga ala-alang tayo’y
nakangiti;
Ala-alang nananatili sa aking pusong
pumipitik.
Tinik ay dama sa dyamenteng nasa
kaliwang dibdib;
Mga tenga’y mahinahong boses mo ang
dinig;
Umusbong ang kurbang malungkot sa aking
labi;
Tubig ay namuo sa mga matang nakapikit,
At sa pagpatak nito’y yakap mo ang nasa
isip.
Mga bituing kumikislap sa ating
kalangitan,
Nasabi mong kasing ningning ng aking
mga mata.
Ang mapayapang buwan na napakaliwanag,
Ang sabi mo’y kasing ganda ng aking
ngiti.
Tanda mo pa kaya mga sinabi mo sa’kin?
Bakit nga ba tayo’y hindi na
nagpapansinan?
Kasalanan mo nga ba o kasalanan ko?
Handa mo na bang kalimutan ang Tulad
ko?
May kaya bang pumalit sa’kin sa buhay
mo?
Kung ako’y tatanungin mo, hindi ang sagot
ko.
Ikaw ay namumukod tangi sa buhay kong ito,
Nasabi ko na yan sayo at sana’y iyong
tandaan.
Ngayon dalangin ko na tayo’y muling
magkasama,
At sana sa paggising ko kinabukasan
mahal,
Tayo
ay muling magkasundo’t masaya.